News Releases

English | Tagalog

Kwentong pang-pamilya tampok sa "And The Breadwinner Is..." ni Vice Ganda

December 05, 2024 AT 11:30 PM

Vice Ganda leads heartwarming family movie "And The Breadwinner Is..."

Viewers will get to see Vice in her usual comedic self plus so much more heartfelt moments with her co-stars

Official entry sa 50th MMFF…

Magkahalong saya at hugot ang mapapanood ngayong Pasko sa kwentong pang-pamilya na “And The Breadwinner Is…” na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Ito ang official entry ng Star Cinema at The IdeaFirst Company para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mula sa direksyon ni Jun Robles Lana, tampok sa drama-comedy movie ang kwento ng mga breadwinner at ang mga sakripisyo nito.

Masasaksihan dito ang mga nakakatawang banat ni Vice pati na rin ang mga hugot ng pamilya na may kirot sa puso. Dapat din abangan ang muling pagsasama nina Vice at award-winning actress at comedian Eugene Domingo kung saan tumatak sa puso ng mga manonood ang kanilang on-screen chemistry noon.

"Ang storya niya masyadong personal. Kaya 'yung iyak, sigaw, at hagulgol, hindi ko na inarte. Naisigaw ko para sa breadwinners, naiiyak ko 'yung matagal nilang kinimkim," sabi ni Vice sa grand kick-off at poster reveal event para sa pelikula. 

Iikot ang kwento ng “And The Breadwinner Is…” kay Bambi (Vice), isang OFW sa Taiwan at ilang taon nang isinakripisyo ang buhay bilang breadwinner para sa kanyang minamahal na pamilya. 

Sa pag-uwi ni Bambi sa Pilipinas para sorpresahin ang pamilya, madudurog ang kanyang puso nang malamang patong-patong ang problema nila at palugi na rin ang kanilang negosyo. Alang-alang sa pangarap na makaahon sa buhay, isusugal ni Bambi ang lahat para sa pagkakataong makakuha ng P10 milyong ngunit kapalit nito ay ang peligrong maaaring maging dahilan ng pagkawatak-watak ng pamilya. 

Kasama rin sa cast sina Malou De Guzman, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Anthony Jennings, Kokoy De Santos, Lassy Marquez, MC Muah, Via Antonio, Kiko Matos, Argus Aspiras, Kulot Caponpon, at Eugene Domingo.

Yayain ang buong pamilya at sama-samang panoorin ang “And The Breadwinner Is…” sa 50th MMFF sa mga sinehan nationwide simula Disyembre 25.

Para sa iba pang mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa ibang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.