News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN humakot ng 45 parangal sa 2024 Anak TV Awards

December 06, 2024 AT 05:02 PM

ABS-CBN nabs 45 honors at Anak TV Awards for child-friendly shows and stars

Forty-five ABS-CBN shows and personalities, including Hall of Fame inductee, Kabayan Noli de Castro, were honored at the 2024 Anak TV Awards for their child-friendly content and for being good role models to the next generation.

Kabayan Noli de Castro, Hall of Famer sa Anak TV awards
  
Umani ng 45 na parangal ang mga programa at personalidad mula sa ABS-CBN, kabilang ang Hall of Famer na si Kabayan Noli de Castro, sa 2024 Anak TV awards para sa pagtataguyod ng temang pampamilya at sa pagiging mabuting ehemplo sa kabataan.
 
Kabilang sa mga programang nakatanggap ng Anak TV seal para sa television category ay “ASAP,” “My Puhunan,” at “TV Patrol.” Ang mga programa ng Knowledge Channel na “Agrikids,” “Lakbay Aral,” “Mathdali,” “Siklo ng Enerhiya,” “Tropang K!likasan,” at “Wow Bukidnon” ay tinanggap din ang Anak TV seal para sa television category.
 
 
Tinanggap din ng “Team Yey Explains,” at ng mga programa ng Knowledge Channel na “MathDali Online,” “Wikharian Online World,” “Knowledge on the Go,” at “Knowledge Channel’s Art Smart” ang Anak TV seal para sa online category. Samantala, kinilala din ang “TV Patrol” at “Matanglawin” na Household Favorite Programs. Ang Anak TV seal ay isang pambansang parangal na ibinibigay sa mga huwarang programa na may temang angkop sa mga bata.
 
Sina Belle Mariano, Francine Diaz, Jodi Sta Maria, Karylle Tatlonghari-Yuzon, Donny Pangilinan, Joshua Garcia, Luis Manzano, Paulo Avelino, at Robi Domingo ay pinarangalan bilang Makabata Stars (television and online categories) para sa pagiging mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon.
 
Samantala, ang 12 na babae at 12 na lalaki na ibinoto ng netizens para sa pagiging huwaran sa mga batang Pilipino ay kinilala bilang Net Makabata Stars 2024. Labing-siyam dito ay mula sa ABS-CBN at sila ay sina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Argus Aspiras, Ariel Rojas, Belle Mariano, BGYO, BINI, Darren Espanto, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeff Canoy, KD Estrada, Kim Chiu, Loisa Andalio, Noli de Castro, Paulo Avelino, Sarah Geronimo, Seth Fedelin, at Vice Ganda.
 
Si Kabayan Noli de Castro ay kinilala bilang Hall of Famer, para sa sunod-sunod nitong pagkapanalo noong nakaraang mga taon.
 
Ang Anak TV awards ay ibinibigay ng Anak TV, isang organisasyon na nagsusulong ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga palabas at programang angkop sa mga batang Pilipino. Ang Anak TV seal ay nagsisilbing gabay sa mga magulang na ang programang kanilang pinapanood ay angkop sa kanilang mga anak. Ang Makabata Star na parangal ay iginagawad sa mga mga personalidad na nakakuha ng mataas na boto sa mga symposia na itinanghal ng Anak TV sa mga paaralan at unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Samantala, ang Net Makabata na parangal naman ay base sa resulta nang online voting mula 9-13 Nobyembre, kung saan ibinoto ng netizens ang mga personalidad na nagsisilbing mabuting ehemplo sa mga kabataan.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE