News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, inilunsad ang digital-exclusive na “TV Patrol Express” sa Facebook at YouTube

February 07, 2024 AT 11:19 AM

Sa pangunguna nina Jeff Canoy at Denice Dinsay

 

Mula sa kauna-unahan nitong telecast noong 1987, mas pinalawak ng TV Patrol ang pinagkakatiwalaang balita at impormasyon nito online sa paglunsad ng “TV Patrol Express.”

Nagbibigay ang digital newscast ng rundown ng pinakamalalaking kwento bawat araw para sa mga on-the-go na online viewers na tutok sa kanilang iba't ibang devices.

Pinangungunahan nina ABS-CBN News Chief of Reporters Jeff Canoy at anchor Denice Dinsay ang “TV Patrol Express” na ipinapalabas sa ABS-CBN News’ Youtube channel at Facebook page tuwing 5 pm mula Lunes hanggang Biyernes.

Naghahatid sina Jeff at Denice ng mga nagbabagang mga balita, makabuluhang mga feature story, nakaka-inspire na mga kuwento, at magaan na talakayan.

“TV Patrol Express brings forward the nearly 4-decade legacy of our flagship newscast to a new avenue and bigger audience. It remains part of our commitment to be in the service of more Filipinos, wherever they may be,” sabi ni ABS-CBN Integrated News Head Francis Toral.

Abangan ang pasilip sa mga nagbabagang balita sa pamamagitan ng “TV Patrol Express” tuwing 5pm mula Lunes hanggang Biyernes sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN News.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE