Bidang-bida ang husay, giting, at katatagan ng mga kababaihan ngayong Marso sa iWantTFC, ang home ng Filipino stories, tampok ang mga kinagigiliwang programa at pelikula mula sa bigating mga aktres ngayon na libreng mapapanood at layong magbigay inspirasyon bilang pagdiriwang ng Women's Month.
Itatampok ngayong Marso ang mga programang nagsasabuhay sa katapangan ng mga kababaihan, tulad ng hit superhero serye na "Mars Ravelo's Darna" na pinagbibidahan ni Jane de Leon, ang palaban na karakter ni Maja Salvador na si Ivy Aguas sa 2017 trending series na "Wildflower," at ang tinutukang "Lobo" saga na pinagbidahan ni Angel Locsin ("Lobo," "Imortal") pati "La Luna Sangre" ni Kathryn Bernardo.
Bida rin ngayong Marso ang pagmamahal ng isang ina sa iWantTFC original na "Misis Piggy" ni Sylvia Sanchez, habang mapapanood din ang nakatutuwang pakikipagsapalaran sa pag-ibig nina Pokwang at Melai Cantiveros sa "We Will Survive."
Maliban pa rito, mapapanood din ang ilan pang pelikula na sumasalamin sa puso ng mga kababaihan. Hatid ng iWantTFC sa mga strong, independent woman ang Judy Ann Santos classic na "Bakit 'Di Totohanin" pati ang pangmalakasang crime-fighting movie ni Anne Curtis na "Buy Bust."
Para naman sa mga 'sister for life' ang peg sa buhay, makitawa at hagulgol muli sa magkakaptid na sina Teddie, Bobbie, Alex, at Gabbie sa Star Cinema drama-comedy hit na "Four Sisters and A Wedding."
Bibigyang-diin din ang mga sakripisyo ng mga kababaihan sa Nora Aunor classic na "Bulaklak sa City Jail," at ni Vilma Santos na "Ekstra."
Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa pamamagitan ng official app nito (iOS at Android) pati website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iba pang Women's Month dedicated content sa "Iconic Women," at "Girl Power" selections nito.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.
Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.