Gerald Anderson, mapapanood na sa Egypt, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at iba pang Arab-speaking territories
Naging kauna-unahang Arabic-dubbed Pinoy series ang hit action-drama series ng ABS-CBN na “A Soldier’s Heart,” na mapapanood na sa mga rising video-on-demand platform sa Middle East pagkatapos na pumirma ng kontrata sa Rabee Alhajabed Art Production & Distribution FZE.
Mapapanood na ang Philippine hit action-drama series na "A Soldier's Heart" sa tatlong streaming platform na Maraya, Shofha, at Weyyak, na available sa Egypt, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at iba pang Arab-speaking territories.
Sinusundan ng “A Soldier's Heart” ang kuwento ni Alex (Gerald Anderson), isang IT expert na sumapi sa Army, at ang pagkru-krus ng kanyang landas sa isang pamilyang Muslim na maglalagay sa kanya sa pagkwestyon ng kanyang kinabukasan. Binuksan ng serye ang kamalayan ng manonood sa mga hamon at sakripisyong kinakaharap ng mga militar habang tinutupad nila ang kanilang mga sinumpaan sa bansa.
Samantala, malapit na ring mapanood ang action-fantasy drama na "Darna," na pinagbidahan ni Jane De Leon na magkakaroon rin ng sariling Arabic-dubbed version.
Mas nagpatunay nga ng pagsisimula ng Arabic-dubbing ng shows ng ABS-CBN na ito ang pagpapatibay nito sa paglikha ng nakakaantig na mga kuwento na umaabot sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasunod ito ng matagumpay na pagbenta ng ABS-CBN ng mga orihinal na istorya (format) ng “Hanggang Saan,” “Mea Culpa”, “The Good Son” at “Forevermore” sa parehong rehiyon.
Sa ngayon, nakapagbenta na ang ABS-CBN ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America. Mula sa pagiging broadcasting company, mas pinapalawak nito ang pagbibigay ng world-class na mga programa bilang isang global storytelling company.
Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.