News Releases

English | Tagalog

BINI, nanguna bilang Filipino pop group na may pinakamalaking monthly listeners sa Spotify

March 19, 2024 AT 08:38 AM

Kauna-unahang Pinoy girl group na nakasungkit ng record

Panibagong milestone ang nakamit ng BINI matapos kilalanin bilang kauna-unahang Pinoy girl group na may pinakamalaking audience sa Spotify na humigit 1.4 milyong monthly listeners.

Nasungkit ito ng mga miyembro na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena matapos ilunsad ang kanilang unang EP (extended play) na “Talaarawan” noong Marso 8. Naabot agad ng EP ang unang pwesto sa iTunes Philippines albums chart habang ang mga awitin nito ay nakapasok sa top 10 ng iTunes Philippines songs chart kung saan nanguna ang key track na “Salamin, Salamin.”

Umarangkada rin sa Spotify ang “Salamin, Salamin” na may isang milyong streams habang ang EP ay pumalo na sa mahigit 14 milyong streams. Pasok din ang “Salamin, Salamin” sa top 200 ng Spotify Philippines Daily Songs Chart pati na rin sa Radar Philippines at OPM Rising.

Samantala, naging mainit din ang suporta sa kanilang recent hit na “Pantropiko” na umakyat sa no.23 sa Spotify Philippines Daily Songs Chart at no. 32 sa Spotify Global Viral Chart. Umaangat din ang tinaguriang “nation’s girl group” sa ika-34 pwesto sa Spotify Philippines Daily Top Artists kung saan sila ang naging highest charting pop group.

Makisaya sa feels na dala ng BINI sa kanilang unang EP na “Talaarawan” na napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE