News Releases

English | Tagalog

"It's Showtime" ng ABS-CBN, mapapanood na sa GMA simula Abril 6

March 20, 2024 AT 02:58 PM

ABS-CBN'S "It's Showtime" to air on GMA starting April 6

GMA Network and ABS-CBN Corp. are thrilled to announce a historic collaboration as the noontime variety show “It’s Showtime” will air on GMA from Monday to Saturday, 12:00 noon to 2:30 pm beginning 6 April 2024 (Saturday).

Malugod na inaanunsyo ng GMA Network at ABS-CBN Corp. ang kanilang makasaysayang kolaborasyon sa pagpapalabas ng noontime variety show na “It’s Showtime” sa GMA mula Lunes hanggang Sabado, 12 ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon, simula 6 Abril 2024 (Sabado).
 
Dumalo ang mga opisyal ng GMA at ABS-CBN kasama ang mga sikat na host ng "It's Showtime” sa contract signing ceremony na ginanap sa GMA Studios.
 
Pinangunahan ang event ng mga executive ng GMA Network na sina Chairman Atty Felipe L. Gozon, President at CEO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group at GMA Films President at CEO Atty. Annette Gozon Valdes.
 
Ang mga kumatawan sa ABS-CBN ay sina Chairman Mark L. Lopez, President at CEO Carlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Cory V. Vidanes, at Group Chief Financial Officer Rick B. Tan.
 
Kasama rin sa event ang mga host ng "It's Showtime" na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Darren, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, at Cianne Dominguez.
 
Ang unprecedented move na ito ay patunay sa layunin ng GMA at ABS-CBN na patuloy magbigay ng mga magagandang programa at maglingkod sa bawat Pilipino. 
 
Malugod na pagtanggap ang ipinaabot ng GMA Network sa “It’s Showtime” at itinuturing ito bilang welcome addition sa patuloy na dumaraming programa nito para sa Kapuso viewers sa loob at labas ng bansa.
 
Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at "It's Showtime" sa GMA Network sa pagbubukas nito ng pinto at pagbibigay ng bagong plataporma para makapaghatid ng entertainment at saya sa mas maraming manonood sa buong bansa. 
 
Nagpapasalamat kami sa aming loyal viewers sa patuloy na suporta sa halos 15 taon at umaasa kaming makasama ang mga bagong manonood sa paggawa ng FUNanghalian moments sa GMA, GTV, GMA Pinoy TV, at sa iba pang platform kung saan kasalukuyang napapanood ang “It’s Showtime.” 
 
Maraming salamat, mga Kapamilya, mga Kapuso, at Madlang People.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE