News Releases

English | Tagalog

Mga MBA student ng Columbia Business School, bumisita at nalaman ang mga pagbabago sa ABS-CBN

March 27, 2024 AT 11:47 AM

Columbia Business School MBA students visit, learn about ABS-CBN's transformation

During their visit at ABS-CBN, the graduate students learned more about the company’s transformation from a broadcasting network to a global storytelling company.

MBA students, nanood ng “It’s Showtime” at “Dateline” newscast ng ANC
 

Lumipad mula New York City patungong Manila ang ilang MBA students ng Columbia Business School para bumisita sa iba’t ibang kumpanya sa bansa kabilang na ang ABS-CBN bilang bahagi ng kanilang MBA subject na "Global Immersion: Philippines: Asia's Rising Tiger.”

Sa kanilang pagbisita sa ABS-CBN, nalaman ng mga mag-aaral kung paano naging global storytelling company ang kumpanya mula sa pagiging broadcasting network nito.

Kasama ang kanilang guro na si Prof. Medini Singh, nagkaroon ng makabuluhang talakayan ang mga MBA student kasama sina ABS-CBN management consultant Raymund Miranda, head of news Francis Toral, at head of corporate communications Kane Errol Choa tungkol sa mga pagbabago sa ABS-CBN sa kabila ng mga hamon na pinagdaraanan nito mula noong 2020.

Pagkatapos ng learning sessions, nanguna ang ABS-CBN Corporate Communications team sa pagbibigay sa mga mag-aaral at kay Prof. Singh ng studio tour, kung saan naging bahagi sila ng live studio audience ng “It's Showtime.” Nakapanood din sila ng live newscast ng “Dateline Philippines” ng ANC.

“Our students will benefit much from this visit to the Philippines, and getting an unvarnished look into the situation that media is facing,” ani Prof. Singh.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE