The official poster, designed by artist Justin Besana, features the lead stars dressed to the nines while posing for a family portrait that showcases shattered glass between them.
Paulo, JM, at Kim sosyal sa bagong poster
Sasagarin na ang gigil ng mga manonood sa “Linlang: The Teleserye Version” pagkatapos nitong maglabas ng magarbong mid-season poster tampok ang mga bida ng serye na sina Paulo Avelino, JM De Guzman, Kim Chiu, at iba pa nilang co-stars.
Nilikha ni Justin Besana ang bagong poster kung saan makikita ang mga bida ng serye na nakasuot ng mga suit at gown habang may basag na salamin sa pagitan nila.
Inulan ng papuri ng netizens ang naturang poster at ibinahagi nila ang kanilang sabik na mapanood ang kaabang-abang na mga rebelasyon sa Kapamilya teleserye.
Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, lalong naging komplikado ang relasyon nina Victor (Paulo) at Juliana (Kim) dahil mainit pa rin ang dugo nila sa isa’t isa at hindi sila nagkakasundo sa pagdadalang-tao ni Juliana.
Madadagdagan pa ang problema ng mag-asawa dahil determinado si Alex (JM), ang kabit ni Juliana, na makasama ito habang-buhay kaya gagawin ni Alex ang lahat para pabagsakin si Victor at tuluyan na itong mawala sa buhay ni Juliana.
Pumatok ang “Linlang” sa mga manonood nang ipalabas ito sa streaming platform na Prime Video noong 2023 at naging number one show sa Pilipinas. Usap-usapan ang serye online at parati rin itong trending dahil sa pasabog na mga eksena at rebelasyon sa kwento na umiikot sa panloloko at paghihiganti.
Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” gabi-gabi ng 8:45 PM pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Linlang: The Teleserye Version.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.