News Releases

English | Tagalog

Mga estudyante ibabandera ang kanila ginintuang tinig sa "Tawag Ng Tanghalan: School Showdown"

April 23, 2024 AT 12:47 PM

Psychology student mula Bacolod, nagwagi sa pilot episode...

 

Pangmalakasang bosesan ng mga estudyante ang mapapakinggan sa pagbubukas ng panibagong edisyon ng "Tawag ng Tanghalan" na "Tawag ng Tanghalan:School Showdown" ngayong araw. 

Sa ikawalong season ng "TNT,”  dalawang mag-aaral mula sa iba't ibang unibersidad o kolehiyo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang maghaharap para ibida ang kanilang ginintuang tinig at may tsansang maging susunod na grand winner ng longest-running singing competition ng bansa hatid ng “It’s Showtime.” 

Sa una nitong episode, isang psychology student mula sa University of St. La Salle Bacolod na si Hannah Grace Espadol ang hinirang na daily winner matapos niya mapabilib ang hurados na sina Louie Ocampo, Erik Santos, at Zsa Zsa Padilla sa kanyang bersyon ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata. Nakakuha siya ng 95% habang ang kalaban niyang si Kyshia Razon ng Mater Dei College ay nakakuha ng 93.3%. 

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang "TNT:School Showdown" pati ang mismong show dahil sa konsepto nitong binibigyang pansin ang mga talento ng mag-aaral pati na rin ang kanilang mga paaralan. 

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE