News Releases

English | Tagalog

Solo concert ng BINI, sold out agad

April 04, 2024 AT 01:57 PM

BINI's first solo concert "BINIverse" gets sold out in less than two hours

Join BINI as they bring their hits to life in "BINIverse" happening this June 18 at the New Frontier Theater.

Umaarangkada bilang most streamed female artist sa Spotify

Sold out na agad ang unang solo concert ng BINI na “BINIverse” na magaganap ngayong Hunyo 28 sa New Frontier Theater. 
 
Sa unang araw ng ticket selling nitong Martes (Abril 2), libo-libong fans ang pumila para makakuha ng “BINIverse” tickets. Wala pang dalawang oras ay inanunsyo ng Star Music na sold out na ang tickets nito sa lahat ng Ticketnet outlets. 
 
“Who would’ve thought na makaka-sold out kami ng concert? Thank you everyone for the effort! See you all soon our Blooms and to everyone na hindi naka-secure ng tickets, don’t be sad we will see each other pa sa ibang events namin,” saad ng BINI member na si Sheena sa kanyang tweet. 
 
Bukod sa kanilang sold out concert, kinilala rin ang tinaguriang nation’s girl group bilang most streamed female artist ng Spotify Philippines. Kasalukuyang nasa ikaapat na araw na ng grupo sa unang pwesto na may mahigit dalawang milyong monthly listeners. Ang BINI rin ang kauna-unahang grupo na nakasungkit ng titulo na dating hawak ng sikat na female solo artists tulad nina Moira Dela Torre, Janine, Nica Del Rosario, Denise Julia, at Illest Morena. 
 
Kamakailan ay hinirang din ang female pop group bilang kauna-unahang recipient ng Rising Star award sa Billboard Philippines Women in Music. Kinikilala ng parangal ang naging tagumpay ng grupo sa larangan ng OPM sa loob ng tatlong taon.
 
Patuloy ang pag-arangkada ng kanta nilang “Pantropiko” na sa ika-16 na pwesto sa Billboard Philippines Songs habang ang latest single na “Salamin, Salamin” ay nasungkit ang ika-41 na pwesto sa Spotify Philippines Daily Songs Chart. Tampok din ang BINI sa ikatlong pagkakataon sa Spotify Radar Philippines kung saan kasama nila ang iba pang emerging Filipino artists sa bansa.
 
Makisaya sa unang solo concert ng BINI na “BINIverse” ngayong Hunyo 28 na magananap sa New Frontier Theater at pakinggan ang kanilang unang EP na “Talaarawan” available sa iba’t ibang digital streaming platforms. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates. 
 
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE