Isang disco-pop song ang “Bilang” na handog ng Star Music at nagsisilbi ring apila sa lipunan para kilalanin, tanggapin, at pakinggan ang LGBTQ+ people.
Ito ang unang single ng tatlong power belters na magiging bahagi ng espesyal na EP na “Say It Clear, Say It Loud” na binubuo ni Boy sa ilalim ng Star Music label at magsisilbing kauna-unahang Pride EP na ilalabas sa bansa.
Pagkatapos sumali sa “TNT” sa “It’s Showtime,” unti-unti nang nakikilala sina Anton, Raven, at Saga dahil sa kanilang strong vocals at bigating performances nitong mga nagdaang taon.
Ipagdiwang ang Pride 2024 sa tulong ng awiting “Bilang,” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.