News Releases

English | Tagalog

Piolo, Aiko, Zaijian, Xyriel, at iba pa naki-bonding sa fans sa "Bida Kapamilya presents: Dreamscape Karavan"

May 28, 2024 AT 11:30 AM

Cast ng “What’s Wrong With Secretary Kim,” “High Street,” at “Pamilya Sagrado” nagsama-sama!

Nagpaulan ng kasiyahan at sorpresa ang event ng ABS-CBN Studios na “Bida Kapamilya presents: Dreamscape Karavan” kung saan nagtipon-tipon noong Sabado (Mayo 25) ang ilan sa pinakamalaking bituin ng iba’t ibang paboritong Kapamilya teleserye.

Pasabog na performances ang handog ng cast members ng “What’s Wrong With Secretary Kim,” “High Street,” at ang inaabangang seryeng “Pamilya Sagrado” para sa mga naghihiyawang fans sa Ayala Malls Cloverleaf sa Quezon City. 

Pinangunahan ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang cast ng “Pamilya Sagrado,” kasama sina Grae Fernandez at Aiko Melendez, sa pagpapakilig sa kanilang song numbers. Hindi rin nagpahuli sa pagpapa-indak sa sayawan at kantahan ang kanilang co-stars na sina Jeremiah Lisbo, Micaela Santos, Alyanna Angeles, Daniela Stranner, Apey Obera, Rocky Labayen, Luis Vera Perez, Beaver Magtalas, Isaiah Dela Cruz, Austin Cabatana, Valentino Jaafar, Miggs Cuaderno, Dustine Mayores, River Joseph, at Sean Tristan.

Umapaw din ang saya ng fans dahil sila ang unang nakapanood ng official trailer launch ng “Pamilya Sagrado,” na eere na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Hunyo 17. 

Nagpakitang-gilas din sa kani-kanilang performances ang stars ng “High Street” na sina Zaijian Jaranilla, Ralph De Leon, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, Miggy Jimenez, Daniela Stranner, at Xyriel Manabat.

Espesyal din ang mga inihandog na mga kanta ng mga bida ng Viu original adaptation na “What’s Wrong With Secretary Kim” na sina Franco Laurel, Brian Sy, Kat Galang, at JC Alcantara.

Huwag palampasin ang premiere ng “Pamilya Sagrado” sa Hunyo 17 at gabi-gabing subaybayan ang “High Street” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Napapanood naman ang “What’s Wrong With Secretary Kim” kada Sabado ng 7:15 PM sa Kapamilya Channel at A2Z at ng 8 PM sa TV5, at kada Linggo ng 7 PM sa Kapamilya Channel at A2Z, at ng 8:15 PM sa TV5. Napapanood din ang serye nang libre sa Viu.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.