News Releases

English | Tagalog

DonBelle at "Can't Buy Me Love" cast, may special performance para sa series finale sa "ASAP Natin To"

May 03, 2024 AT 12:57 PM

Hatid ang espesyal na birthday performance mula sa National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab 
 

Saksihan ang espesyal na pasabog mula sa New Gen Phenomenal Loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kasama ang cast ng “Can't Buy Me Love”, para sa finale ng Kapamilya hit series ngayong Linggo (Mayo 5) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makakasama ng DonBelle sa "ASAP" stage sina Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada, Joao Constancia, Chie Filomeno, Vivoree, Gelo Marquez, Rowell Santiago, Ina Raymundo, Ruffa Gutierrez at Nova Villa.

Puno ng mga sorpresa ngayong weekend dahil ipagdiriwang ng musikero at kompositor at National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab ang kanyang ika-70 na kaarawan sa pamamagitan ng pag-perform ng kanyang greatest hits kasama ang mga “ASAP” icon na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Erik Santos.

Humanda para sa isang pasabog na performance kasama sina Gary, Martin, Ogie, Regine, Zsa Zsa, Erik, Vina Morales, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janella Salvador, Jeremy Glinoga, Alexa ilacad, Jona, Klarisse De Guzman, Kim Chiu, AC Bonifacio, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jolina Magdangal, Jason Fy, Gela Atayde, at Joao na maghahatid  ng cowboy-themed opening number ngayong Linggo.

Tuloy-tuloy ang party vibes kasama sina Vina, Chie, at Anji Salvacion na maghaharap-harap para sa isang nakaka-excite na clash dance number, habang papainitin naman ni AC, Gela, Alexa, Janella, Jeremy, Joao, Race Matias, Krystal Brimner, at Sheena Belarmino ang “ASAP” dance floor. Subaybayan rin ang nakakatuwang performance mula sa P-Pop boy group na BGYO.

Samantala, handog ng Kapamilya singing champions na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Jason, Sheryn Regis, Marielle Montellano, Katrina Velarde, Lyka Estrella, Sam Mangubat, Khimo, JM Yosures, JM Dela Cerna, at Reiven Umali ang kamangha-manghang pagtatanghal ng songs of empowerment. Pakinggan din ang mga nakakaantig na pag-awit ng mga orihinal na komposisyon mula kina Yeng, Nyoy Volante, KZ, Ice Seguerra, Fana, Kice, at KD Estrada.

Mapapanood naman ng “ASAP” fans ang pangmalakasang performance ng mga singing diva na sina Regine, Zsa Zsa, Bituin, Frenchie, Nina, at Jolina.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.