News Releases

English | Tagalog

Klarisse, punong-puno ng "Feels" sa comeback EP

May 03, 2024 AT 08:31 AM

Tampok ang tatlong bagong awitin na may kurot sa puso

Nagbabalik sa recording ang Philippines’ Soul Diva na si Klarisse de Guzman hatid ang kanyang bagong extended play (EP) na tinawag na “FEELS.”
 
Napapakinggan na simula noong Biyernes (Mayo 3) ang three-track EP na magdadala sa listeners ng iba’t ibang mapanakit na emosyon dahil sa pag-ibig. Kasama rito ang “Dito,” “Minamahal Pa Rin Ako,” at “Bibitawan Ka” na mula sa producer ng EP na si StarPop label head Roque “Rox” Santos.
 
Isinulat nina Raizo Chabeldin at Biv de Vera ang “Dito” na tungkol sa matinding pananabik na makapiling muli ang taong minamahal.
Ang “Minamahal Pa Rin Ako” na mula naman sa composer na si Ronaldo Azor ay tungkol sa panghihinayang ng isang nagmamahal pagkatapos niya iwan ang ang tao na nananatiling mahalaga para sa kanya.
 
Tungkol naman ang ikatlong awitin na “Bibitawan Ka” sa pagtatapos ng isang relasyon nang maayos at pagkakaroon ng pag-asa sa pagdating ng tamang pag-ibig. Isinulat ito ni Hazel Faith dela Cruz.
 
Noong nakaraang taon huling napakinggan ang soulful voice ni Klarisse sa awiting “Ayoko Ng Sana” na bahagi ng “Rox Santos: the 15th Anniversary Album.” Taong 2022 naman nang inilabas niya ang ballad na “Thank You”  sa ilalim rin ng StarPop.
 
Namnamin ang nag-uumapaw na damdamin na tampok sa “FEELS” EP ni Klarisse na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE