News Releases

English | Tagalog

'My Puhunan,' nagpa-livelihood training program sa Grand Kapamilya Summer Fair

May 03, 2024 AT 03:54 PM

'My Puhunan' set up livelihood training programs at ABS-CBN News' Grand Kapamilya Summer Fair

"My Puhunan" set up a series of livelihood programs during the Grand Kapamilya Summer Fair event

Tampok din ang kwento ng tagumpay ng Casa Juan homeware
 
Pagkakakitaan ba ang hanap niyo? Samahan si Migs Bustos at ang buong "My Puhunan" team ngayong Sabado (Mayo 4) sa pagbibigay kaalaman kung paano magtayo ng sariling negosyo sa inilunsad nitong livelihood training programs sa nagdaang Grand Kapamilya Summer Fair sa panibagong episode ng "My Puhunan: Kaya Mo!"
 
Inilunsad muli ng ABS-CBN News ang public service event nitong Grand Kapamilya Summer Fair, na layong magbigay saya at serbisyo sa mga Kapamilya. At nitong Abril 27, halos 12,000 ang nakisaya sa grand summer fair na ginanap sa Quezon City Memorial Circle.
 
Maliban sa masasayang aktibidad at performances mula sa kinagigiliwang Kapamilya stars, nagpa-livelihood training program din ang "My Puhunan" team kung saan namahagi sila ng kaalaman sa publiko kung paano magsimula ng sariling negosyo pati nagturo rin ng pagluluto at pagbe-bake na tiyak pwedeng pagkakitaan.
 
Samantala, itatampok naman ni Karen Davila ang tagumpay ng Casa Juan, isang brand ng proudly Pinoy at world-class quality homeware. Dito, ibabahagi ng may-ari nitong si Michelle Fontelera kung paano nagsimula ang kanyang munting negosyo sa kasagsagan ng pandemya hanggang sa naging manufacturer ito ng libo-libong mga plato at at iba pang kagamitan sa hapag-kainan na ibinibenta nationwide.
 
At baka ito ang trabahong para sa inyo. Alamin ang buhay ng isang freelancer sa kwento ni Ely Quichon, na dating HR employee sa isang kumpanya at ngayo'y remote virtual assistant, social media strategist, at project manager. Bibigyan niya tayo ng tips kung paano papasukin ang mundo ng pagiging VA.
 
Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen at Migs tuwing Sabado, 5:00 ng hapon sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.