Maging bahagi ng “Super Kapamilya” community
Ma-eenjoy na ang exclusive insider access sa mga pinaka-inaabangang event ngayong taon tulad ng Star Magic All-Star Games at ang mga concert nina KDLex at Darren sa pamamagitan ng “Super Kapamilya” membership ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube.
Saksihan ang livestream at i-enjoy ng on-demand ang pinakamalaking celebrity sports event ng taon, ang Star Magic All-Star Games 2024, na gaganapin ngayong Hunyo 2 (Linggo) ng 4 PM. Higit 100 personalidad ang magpapakitang-gilas sa triple-header event tampok ang Team Lady Spikers nina Loisa Andalio at Vivoree versus Team Lady Setters nina BINI Mikha at Anji Salvacion, Cong’s Anbilibabol Basketball Team ni Cong TV versus Star Magic Blue Team nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte, at “It’s Showtime” nina Jhong Hilario at Vhong Navarro versus Star Magic Red Team ni Gerald Anderson.
Sigurado ring hindi mabibitin ang mga Kapamilya sa panonood ng Star Magic All-Star Games dahil pwede rin i-access ang exclusive fan cams kung saan makakapili ang members kung sinong Star Magic artist ang itatampok sa fan cam.
Nasa “Super Kapamilya” rin ang insider access sa concerts ng KDLex at ni Darren na magiging available isang araw pagkatapos ng kani-kanilang mga concert. I-enjoy ang insider access sa kauna-unahang face-to-face concert nina KD Estrada at Alexa Ilacad na “Add to Heart: KDLex Concert” na available sa Hunyo 1 (Sabado), pati na rin ang “D10” anniversary concert ni Darren na available sa Hunyo 2 (Linggo).
Sulit na sulit ang suporta ng fans dahil mapapanood dito ang ilang behind-the-scenes pasilip pati na rin ang paghahanda na ginawa nila para sa concert.
Ilan sa mga exclusive “Super Kapamilya” content na napanood na sa ABS-CBN YouTube ay ang Q&A session kasama ang P-pop girl group na BINI noong Star Magic Hot Summer 2024, at ang “Kapamilya Chat” perk kung saan nakapagtanong ang ilang fans sa cast members ng “High Street” tulad nina Andrea Brillantes, Zaijian Jaranilla, at Miggy Jimenez, at “Can’t Buy Me Love” stars na sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Maris Racal, at Anthony Jennings.
Handog ng ABS-CBN ang “Super Kapamilya” para sa loyal fans kung saan may access ang mga ito sa exclusive livestreams, Q&A sessions kasama ang paboritong Kapamilya stars, behind-the-scenes access, at unang pasilip sa iba’t ibang content. Available ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang nangungunang YouTube channel sa Southeast Asia na mayroong 48 milyong subscribers.
Para sumali sa “Super Kapamilya” community, bisitahin ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, click “join,” kumpletuhin ang monthly membership purchase, at i-click ang “subscribe.”
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.