Filipino kids will enjoy new stories with Gizmo, Chris, and Joy in their new Biblical adventures as “Superbook,” the popular animated series about Bible stories and Biblical teachings, will air its newest season on the Kapamilya Channel starting on Monday, June 3.
Simula ngayong Hunyo 3
Mas sasaya ang Hunyo para sa mga batang Pinoy dahil mas maraming bagong kwento ang hatid nina Gizmo, Chris, at Joy sa kanilang Biblical adventures sa “Superbook,” ang animated series tungkol sa mga kwento sa bibliya at mga mahahalagang aral mula rito.
Simula ngayong Lunes, Hunyo 3, mapapanood na tuwing umaga sa Kapamilya Channel ang bagong episodes ng “Superbook” Season 5 na magpapakilala sa mga bata kina Moses, Nicodemus, Zacchaeus, at iba pang biblical figures. Magbabahagi rin ito ng mga mahahalagang aral mula sa bibliya tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos, pagiging mahabagin, at mapagpatawad.
Layunin ng ABS-CBN, katuwang ang CBN Asia, na magbahagi ng mga masasayang kwento na puno ng mabubuting aral, hindi lang para sa mga kabataan, pati maging sa buong pamilya.
Huwag palampasin ang “Superbook” Season 5 simula ngayong Lunes (Hunyo 3) tuwing 8:30 am sa YeY Weekday block ng Kapamilya Channel.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.