News Releases

English | Tagalog

Horror flicks na "U-Turn" at "Tenement 66," maninidak sa Cinema One ngayong Hunyo

May 31, 2024 AT 04:44 PM

Special Father’s Day movie marathon, mapapanood din ngayong buwan

Mapapanood ang horror films na “U-Turn” na pinagbidahan ni Kim Chiu at “Tenement 66” nina Francine Diaz at Francis Magundayao sa Cinema One ngayong Hunyo.

Itatampok ito sa Sunday primetime block ng Cinema One na Blockbuster Sundays kasama ang iba pang pelikula na sumesentro sa ambisyon at sakripisyo para sa pamilya na mapapanood tuwing Linggo, 7pm. Saksihan ang kwento ng “U-Turn” ni Kim bilang investigative journalist sa Hunyo 2 at mga pagsubok na pagdadaanan nina Francine at Francis sa “Tenement 66” na ipapalabas sa Hun. 30.

Mapapanood din ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (Hun. 9), “Seven Sundays” nina Ronaldo Valdez, Aga Muhlach, at Dingdong Dantes (Hun. 16), at “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza (Hun. 23).

Swak naman para sa selebrasyon ng Father’s Day ang mga pelikulang hatid ng Cinema One na mapapanood sa Hunyo 15 at 16. Huwag palampasin ang “Cedie” ni Tom Taus, “Sakal, Sakali, Saklolo” ni Ryan Agoncillo, “Kung Mawawala Ka Pa” ni Christopher De Leon, “Till There Was You” ni Piolo Pascual, “Daddy O, Baby O” ni Dolphy, at “Super Parental Guardians” ni Coco Martin.

Iba’t ibang emosyon naman ang hatid ni Piolo sa kanyang pagbida sa Cinema One dala ang mga pelikulang “Milan” kasama si Claudine Barretto (Hun. 1), “Bakit ‘Di Totohanin” kasama si Judy Ann Santos (Hun. 8), “Dekada ‘70” kasama si Vilma Santos (Hun. 15), “Starting Over Again” kasama si Toni Gonzaga (Hun. 22), at “The Breakup Playlist” kasama si Sarah Geronimo (Hun. 29) na mapapanood tuwing Sabado, 7pm.

 

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.