Nagbabalik ang “Star Ka” showbiz talk show ni Ahwel na kilala dati bilang “Kumu Star Ka” para sa ika-apat na season nito ngayong Linggo (Hunyo 9), 3pm sa FYE YouTube Channel at Facebook page.
Patuloy itong magbibida ng mga artista, content creators, at iba pang personalidad na nagsisilbing ‘bituin’ sa kani-kanilang larangan.
Makakakwentuhan ni Papa Ahwel ang “The Voice Kids” season 2 first runner-up na si Reynan Dal-Anay at food vlogger na si Paps Chui ng “The Chui Show” sa unang episode nito. Bibisita rin si DupliKates ng The House of Collab.
Itatampok rin sa programa sina AC Bonifacio, Anji Salvacion, Janella Salvador, Jason Dy, Poppert Bernadas, Randy Santiago, at iba pang celebrities sa mga susunod na episodes.
Kilalang radio personality si Papa Ahwel na isa sa mga host ng entertainment talk show na “Mismo” at showbiz segment na “Showbuzz” sa DZMM. Tuwing Linggo, napapakinggan siya ngayon sa “Travel with Ahwel” sa DWPM Radyo 630.
Kilalanin ang mga nagniningning na bituin sa “Star Ka,” na may bagong episodes tuwing Linggo, 3pm sa FYE YouTube Channel at Facebook page. Mapapanood din ito sa The Filipino Channel (TFC) tuwing Sabado, 9am sa Pacific (NOLA) at 10am sa Hong Kong/ Singapore/ Guam (APAC) at sa Saudi/ London (EMEA) simula Hunyo 8.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang FYE Channel sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.