Pride month na at kasabay ng panawagan para sa pagkapantay-pantay, nakikiisa ang iWantTFC, the home of Filipino stories, sa pagdiriwang sa pagtatampok nito ng mga pelikula at serye na bida ang kwento ng komunidad ng LGBTQIA+ na maaaring i-stream nang libre.
Noong 1980s, nagsanib-pwersa sina Nora Aunor at Vilma Santos para sa "T-Bird at Ako," isang crime drama tungkol sa isang babaeng abogado na pinagtatanggol ang isang sexy dancer na inakusahan ng homicide, habang pinipigilan ang kanyang nararamdaman para sa kanyang kliyente. Mahalagang kwento ang “T-Bird at Ako” dahil isa ito sa mga unang pelikula sa bansa na may tema tungkol sa LGBTQIA+.
Isa pang dapat panoorin sa iWantTFC ay ang “Mga Batang Poz,” isang serye na tungkol sa apat na HIV-positive teenagers na nagsisikap na mamuhay ng normal sa kabila ng stigma na dala ng kanilang kalagayan. Batay ito sa best-selling young adult novel ng Palanca-winning author, Segundo Matias Jr., at pinagbibidahan nina Mark Nuemann, Fino Herrera, Paolo Gumabao, at Awra Briguela.
Para sa mga mahilig sa coming-of-age na mga pelikula, maaari nilang i-stream ang "Boyette: Not a Girl Yet," na tungkol naman sa isang freshman sa kolehiyo na mapapabilang sa isang love triangle, habang nagsusumikap para maging isang dancer. Bida rito ang “High Street” star na si Zaijian Jaranilla kasama sina Maris Racal at Inigo Pascual.
Samantala, tatangkilikin ng mga tagahanga ng genre ng “Boy's Love” (BL) ang “The Boy Foretold by the Stars,” na tampok naman ang nakakaantig na kwento ng dalawang binatilyo (ginampanan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson) na nag-ibigan sa isang school retreat.
Para sa "Girls' Love" (GL), nandiyan ang "Sleep with Me," isang serye na tumatalakay sa mga interable na queer na tao at kung paano sila namumuhay sa mundong puno ng diskriminasyon. Pinangungunahan ito nina Janine Gutierrez at Lovi Poe.
Ilan din sa mga pwedeng i-stream sa iWantTFC ngayong Pride month ang “Changing Partners,” “2 Cool 2 Be 4gotten,” “Fluid,” “Sila Sila,” “Ang Henerasyong Sumuko sa Love,” “My Lock Down Romance,” “Oh Mando!” “Hello Stranger,” “In My Life,” “Si Chedeng at si Apple,” at “Ang Dalawang Mrs. Reyes.”
Hindi pa rin natatapos ang mga hamon sa komunidad ng LGBTQIA+ sa bansa. Ngunit dahil sa mga pelikula at serye na ibinibida ang kanilang mga natatanging kuwento, nagkakaroon sila ng lakas ng loob na mamuhay ng walang bahid ng takot at kahihiyan.
Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa official app nito (iOS at Android) at website (iwanttfc.com).
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.