News Releases

English | Tagalog

'Pamilya Sagrado' ni Piolo at 'High Street' ni Andrea, maagang mapapanood sa iWantTFC 48 oras bago ang TV broadcast

June 13, 2024 AT 11:43 AM

iWantTFC brings all the riveting drama from 'Pamilya Sagrado' and 'High Street' 48 hours in advance before TV broadcast

Catch the advance premiere of "Pamilya Sagrado" and the new episodes of "High Street" for free anywhere in the Philippines on iWantTFC via iwanttfc.com or its official app available on iOS and Android

Libreng ipapalabas sa iwanttfc.com at iWantTFC app

Mas maagang mapapanood sa iWantTFC, the home of Filipino stories, ang inaabangang teleserye comeback ni Piolo Pascual sa "Pamilya Sagrado" at ang kapanapanabik na mga rebelasyon ng trending primetime series ni Andrea Brillantes na "High Street," hatid ang new episodes na libreng ipapalabas 48 hours bago ang TV broadcast nito.

Tapos na ang paghihintay sa pagbabalik primetime ng ultimate heartthrob dahil simula Hunyo 15 (Sabado), mapapanood na sa iWantTFC ang "Pamilya Sagrado" at ang new episodes nito 48 oras bago umere sa telebisyon.

Iikot ang serye na pinagbibidahan din nina Kyle Echarri at Grae Fernandez sa reputasyon at madidilim na sikreto ng pamilya Sagrado—kung saan hahamakin ni Gov. Rafael Sagrado (Piolo) ang lahat para lang mapanatili ang tiwala ng publiko sa kanilang pangalan sa pulitika at serbisyo publiko. Dito rin uusbong ang pagkakaibigan nina Moises at Justine (Kyle at Grae) na magkaiba man ang estado sa buhay, pag-iisahin ng kanilang sinumpaang samahan sa isang fraternity.

Pero madadawit ang fraternity na kanilang kinabibilangan matapos masangkot ang anak ni Rafael na si Justine sa pagkamatay ng isang neophyte sa kanilang initiation rites, na lubusan ding makaaapekto sa pangalan ng mga Sagrado. Bukod dito, matutuklasan din ni Moises ang malalagim na sikreto ng Sagrado clan na uugnay din sa kanyang pamilya.

Samantala, habang inaabangan ang papalapit na premiere ng "Pamilya Sagrado," patuloy pa rin ang mga kasindak-sindak na rebelasyon sa trending primetime series na "High Street" na mapapanood din 48 hours in advance sa iWantTFC.

Sa mga bagong episode ng "High Street," nilahad na ang sindikato sa likod ng pagkakadakip kay Z (Daniela Stranner) sa pangunguna ni Tori (Dimples Romana). Hindi pa rito natatapos ang kasamaan ni Tori nang malantad din siyang nakikipagsabwatan kay Gov. William Acosta (Mon Confiado) sa plano nitong paghihiganti kay Sky (Andrea).

Samantala, nagulantang naman si Sky sa kanyang nalaman na may asawa na pala ang kanyang ama-amahang si Brandon (Kean Cipriano) na partner ng kanyang ina na si Tania (Angel Aquino).

Abangan ang advanced premiere ng "Pamilya Sagrado" at ang new episodes ng "High Street" na libreng mapapanood kahit saan sa Pinas sa iWantTFC, via iwanttfc.com o sa official app nitong available sa iOS at Android.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.   

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.