Umarangkada sa unang pwesto ng iTunes PH, Saudi Arabia, at UAE
Kilig na nakakapanggigil ang ibinida ng Filipino boy group na BGYO sa kanilang bagong single na “Gigil.”
Inilunsad din ng grupo ang performance video kung saan ibinida ng members na sina Gelo, JL, Akira, Mikki, at Nate ang kanilang bagong imahe tampok ang mensahe ng kakaibang kilig at saya na hatid ng pagsisimula ng pag-ibig.
Sa pagkakataong ito, naging mas hands on ang grupo pagdating sa kanilang musika.
“Before we recorded the song we would meet on what we could do to make it more kami,” saad ni Mikki sa panayam sa ABS-CBN News.
“It can be sexy or cute. If mapapanood niyo yung performance video, we wanted to be colorful. 'Yung manggigigil ka sa sobrang ka-cutan,” dagdag ni JL.
Iprinodyus ni BoJam ng FlipMusic ang awitin habang isinulat ito nina Julius James “Jumbo” De Belen and John Michael Conchada.. Sa loob ng isang linggo, umani na ito ng 116,000 streams sa Spotify habang ang performance video nito ay may mahigit 100,000 views naman sa YouTube. Umarangkada rin ang kanta sa unang pwesto sa iTunes Philippines, Saudi Arabia, at UAE. Tampok din ito sa Spotify Philippines New Music Friday playlist.
Kamakailan ay inilunsad ng BGYO ang single na “Patintero” na meron na ngayong 1.8 milyong streams sa Spotify. Inawit din nila ang “Uuwian” na bahagi ng soundtrack ng “What’s Wrong With Secretary Kim” habang si JL ay naglabas ng solo version nito. Samantala, nagsama sina Gelo, Mikki, at Maymay Entrata para sa “Kalma Kahit Magulo” na mula sa “High Street” soundtrack.
Maghahatid saya naman ang grupo sa “What’s Wrong With Secretary Kim” fanmily day na gaganapin sa Market! Market! activity center ngayong Hunyo 15 (Sabado), 4pm.
Makisabay sa tugtog ng bagong single ng BGYO na “Gigil” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BGYO Official.
Para sa updates, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.