Don't miss the series' premiere on July 2 on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and iWantTFC
Bagong offering ng ABS-CBN, mapapanood sa YouTube channel nito at iWantTFC...
Pinangungunahan ni Kuantie Melai Cantiveros ang kauna-unahang mainstream Bisaya talk show na maghahatid ng saya at makabuluhang aral and kwento sa mga Bisaya pati na sa lahat ng manonood sa "Kuan on One" na mapapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWantTFC ngayong Hulyo 2 (Martes).
Sa project announcement ng show, inilahad ni Melai ang kanyang excitement sa programa lalo pa at magagamit niya ang sariling lenggwahe sa paghahandog niya ng kasiyahan sa mga Bisayang katulad niya.
“Ini ang talk show na para sa mga Bisaya ug mga Bisaya at heart [Ito ang talk show para sa mga Bisaya at para sa mga Bisaya at heart],” ani Melai sa full trailer ng “Kuan on One.”
Bukod sa pagiging plataporma para mas makilala pa ng publiko ang mga Bisaya na artista at maging isang relatable talk show para sa mga taga-Visayas at Mindanao, layunin din ng programa na maghatid ng saya sa mga online viewer.
“It’s all about happiness. Dito talaga iiyak ka sa tawa. Relaxation nalang nila [guests] ‘yung interview na Bisaya. It’s all about past na life nila and lahat ng pwede nilang sabihin under the sun in Bisaya na pwede nilang i-open up sa kanilang Kuantie,” sabi ni Melai sa kanyang media conference.
Sa "Kuan on One," makikita rin ng manonood ang ibang side sa kanilang mga paboritong celebrities lalo pa at mapapanood nila itong nagkwe-kwento gamit ang kanilang kinasayang wika na Bisaya sa paglahad ng iba't ibang aspeto sa kanilang buhay.
Magiging guest ni Melai sa unang season ng show ang kapwa niyang "PBB" big winners na sina Kim Chiu at Maymay Entrata, BINI members na sina Aiah at Colet, Sheryn Regis, Vivoree, Jason Dy, Christian Bables, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang proudest ante at Bisdak in Town sa "Kuan on One" na mapapanood na ngayong Hulyo 2 (Martes) sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.