Gary, Martin, Regine, Kim, Joshua, at iba pa, mapapanood rin ngayong Linggo
Punuin ang saya ang inyong weekend dahil mapapanood ang mga nakamamanghang performance mula sa Nation’s Girl Group BINI ngayong Linggo (Hunyo 30) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, sa TV5.
Balikan ang Grand “Pantropiko” performance ng BINI kasama sina AC Bonifacio, Chie Filomeno, Darren Espanto, Maymay, Gela Atayde, Joao Constancia, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Ken San Jose, at Race Matias. Hindi natatapos kasiyahan dahil mapapanood din ang performance nila ng kanilang hit song na "Salamin, Salamin."
Abangan ang star-studded cowboy-themed performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Vina Morales, Kim Chiu, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janella Salvador, Jeremy Glinoga, Alexa Ilacad, Jona, Klarisse De Guzman, AC Bonifacio, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jolina Magdangal, Jason Dy, Gela Atayde, at Joao Constancia pati na ang mga dance group na G-Force, Ignite, at MNVRS Ignite.
Samahan muli ang dance royalties na sina Joshua Garcia, Kyle Echarri, Darren, Jameson, Joao, Jeremy, AC, Ken, Gela, kasama ang G-Force, Legit Status, at Ignite, para sa isang ultimate dance performance tampok ang mga astig na OPM song. Huwag palampasin ang pasabog na clash dance number nina Vina, Chie, at Anji Salvacion, kasama ang D’ Grind.
Mababalikan din ang surprise collab performance ng “Stupid In Love” mula kay Alexa at international singer-songwriter na si Max. Sundan naman ito ng matinding sayawan mula sa BGYO.
Isang makabagbag-damdaming performance mula sa singer-songwriters na sina Yeng Constantino, Nyoy Volante, KZ Tandingan, Ice Seguerra, KD Estrada, Kice, at Fana ang mapapanood ngayong Linggo.
Marami pang musical treats ang naghihintay sa mga manonood mula sa mga singing champion na sina Jed Madela, Jona, Kyla, Frenchie, at Sheryn Regis na maghahatid ng mga nakakaantig na hugot song, habang magpapabilib naman sa kantahan ang “ASAP” divas na sina Regine, Zsa Zsa, Vina, Bituin at Frenchie.
Abangan ang bonggang performance mula sa mga "ASAP" icon na sina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Kyla, at Erik na aawitin ang hits ni Cecile Alarcon.
Makakasama ng Kapamilya artists sa entablado ang “ASAP” hosts na sina Robi Domingo, Janine Gutierrez, at Edward Barbers.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.