Catch up with the latest news and information on “TV Patrol Express” from 5:30 pm to 5:45 pm every weekday on Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, and ALLTV
Tuwing 5:30 pm hanggang 5:45 pm
Ipapalabas na sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at ALLTV ang “TV Patrol Express” ng ABS-CBN, isang maikling newscast na naghahatid ng mga nagbabagang balita sa mga manonood, simula Hulyo 1 (Lunes).
Tuwing hapon sa free TV pati na sa livestream sa YouTube at TikTok, makakasama ng publiko sina Jeff Canoy at Denice Dinsay na maghahatid ng mga pinakabagong balita at impormasyon na maaaring abangan ng on-the-go viewers sa “TV Patrol” tuwing primetime.
Ang “TV Patrol Express” ay ang pinaikling bersyon ng “TV Patrol” na inilunsad ng ABS-CBN News sa YouTube noong Enero 2 nitong taon bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon na maglingkod sa mas maraming Pilipino saan man sa mundo.
Abangan ang pinakabagong balita at impormasyon sa “TV Patrol Express” mula 5:30 pm hanggang 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at ALLTV. Available din ito online sa YouTube channel at TikTok account ng ABS-CBN News.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.