News Releases

English | Tagalog

Mga programa at personalidad ng ABS-CBN, todo-wagi sa 5th Village Pipol Choice Awards

June 04, 2024 AT 06:24 AM

ABS-CBN shows and personalities rack distinguished recognitions at the 5th Village Pipol Choice Awards

The VPCA, organized by the local digital magazine Village Pipol, aims to honor the best of the best from the travel, lifestyle, technology, business, and entertainment industries

Nag-uwi ng mga parangal sa film, TV, music, at social media categories

Patuloy na kinikilala ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN matapos humakot muli ng samu't saring parangal sa pelikula, telebisyon, musika, at social media sa nagdaang 5th Village Pipol Choice Awards (VPCA).

Wagi ang all-time highest-grossing Filipino film na "Rewind" bilang Movie of the Year at kinilala rin ang lead actress nitong si Marian Rivera bilang Movie Actress of the Year pati si Direk Mae Cruz Alviar bilang Movie Director of the Year. Hindi rin nagpahuli ang Kapamilya star na si Janella Salvador matapos namang hiranging Movie Supporting Actress of the Year sa kanyang pagganap sa co-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na "Mallari."

Matapos naman ang matagumpay nitong pag-ere sa primetime at streaming platforms, kinilala naman ang seryeng "Can't Buy Me Love" bilang TV Series of the Year, habang ang mga bida nitong sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ay waging bilang Primetime TV Actor and Actress of the Year. Bukod dito, ikatlong Loveteam of the Year award naman ang nasungkit ng tambalan nilang DonBelle, pati ang fans club nitong Bubblies ay hinirang muli na Fandom of the Year.

Samantala, panalo rin ang "Can't Buy Me Love" co-stars na sina Maris Racal as Breakthrough Star of the Year, Vivoree bilang TV Supporting Actress of the Year, at Karina Bautista bilang Most Promising Female Star of the Year.

Maliban sa DonBelle, big winner din ang tambalang KDLex matapos tanghaling Afternoon TV Actor and Actress of the Year sina KD Estrada at Alexa Ilacad para sa kanilang pagganap sa pang-hapon serye na "Pira-Pirasong Paraiso."

Kinilala muli ang long-running newscast na "TV Patrol" bilang News Program of the Year, habang ikalawang-sunod din na News Reporter of the Year award ang natanggap ng Star Patroller na si MJ Felipe. Pati ang Star Magic artist na si Kaladkaren ay wagi bilang Newscaster of the Year.

Pati sa musika, winner din ang ABS-CBN artists, tulad ni Belle Mariano bilang Performer of the Year para sa kanyang "Beloved" concert nitong 2023 at BGYO bilang Group Performer of the Year, at "ASAP Natin 'To" artist Moira dela Torre na nagwagi ng Song of the Year award para sa kanyang single na "Eme."

Nagpabilib din ang Kapamilya stars sa larangan ng content creation, gaya nina Andrea Brillantes na nanalong YouTuber at TikTok Star of the Year, at Melai Cantiveros na tumanggap ng Viral TikTok Video of the Year matapos ang kanyang trending moments sa Asian Artists Awards 2023.

Inorganisa ng local digital magazine brand na Village Pipol ang VPCA at sa ika-lima nitong edisyon, layon nito na kilalanin ang best of the best brands at offerings sa travel, lifestyle, technology, business, at entertainment industries.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.