News Releases

English | Tagalog

Star Magic All-Star Games dinagsan ng fans, trending din online

June 04, 2024 AT 10:50 AM

Star Magic teams, panalo sa dalawang basketball games
 
Sinuportahan ng libo-libong fans ang sold-out na Star Magic All-Star Games 2024 na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo (Hunyo 2) at mainit ding pinag-usapan online kaya naman pumasok sa trending list ang nasabing event.
 
Ibinahagi ni Gerald Anderson, na namuno sa Shooting Stars Red bilang playing coach, ang kanyang kaligayahan matapos tapusin ng kanilang koponan ang winning streak ng Team It's Showtime at makapaglaro sa sold out crowd sa Araneta Coliseum. "Thank you sa mga taong nanood, sa It's Showtime. Sa Star Magic boys, grabe ang dedication and it paid off. We're happy," sabi ni Gerald.
 
Dagdag pa niya, "Pinaghandaan namin. Nag-extra work kami. Meron kaming chat group, lagi kaming magkausap doon. We're motivating each other, lagi kaming nagbibigay ng mga inspirational words."
 
Pinamunuan at sinuportahan nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang “It’s Showtime” team.
 
Sa kabilang banda, napagtagumpayan naman ng Shooting Stars Blue team na pinangunahan nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte, ang laro laban sa guest team na Cong’s Anbilibabol Basketball Team.
 
"Noong nalaman ko na Team Payaman yung kalaban and I was asked to join, hindi na ko naghesitate kasi alam kong magiging masaya siya and they’re a really good and fun group. I think it's a great experience for us and for the fans," saad ni Donny. 
 
Binigyang papuri rin niya ang annual sports fest ng Star Magic.
 
Aniya, “I think it’s nice that they focused on sports as well. It’s a good reminder na no matter how hard you work, dapat meron ka rin ginagawa to protect yourself and be healthy. It’s nice to have more of these events.”
 
Binuo nina Donny, Ronnie, River Joseph, Nelson Mendoza, at Cris Lagudas Mythical 5 ng unang laro, habang inuwi ni Ronnie ang titulo bilang MVP. Sa pangalawang laro naman, kasama sa Mythical 5 sina Ion Perez, Lance Carr, Argel Saycon, Derrick Hubalde, at Young JV, na siya ring hinirang bilang MVP.
 
Samantala, nadepensahan ng Lady Spikers, sa pangunguna ni Loisa Andalio, ang kanilang korona sa laban ng volleyball kontra Lady Setters.
 
Kabilang sa Mythical Six sina Mikha Lim ng BINI, Vivoree, Analain Salvador, Awra Briguela, Reign Parani, at Janah Zaplan, habang itinanghal na MVP si Analain sa ika-apat na pagkakataon.
 
Naging tila concert naman ang halftime ng Star Magic Games sa pagdalo ng Nation’s Girl Group na BINI kung saan ay itinanghal nila ang "Karera" at ang kanilang viral hit na kanta na "Pantropiko.” Inilunsad din ang bagong P-Pop boy group na WRIVE sa event. Present din ang Star Magic head na si Lauren Dyogi at Star Magic artists na sina Mutya Orquia, JL at Akira ng BGYO, Chie Filomeno, Francine Diaz, Barbie Imperial, at Belle Mariano.
 
Mapapanood pa rin ang Star Magic All-Star Games 2024 full livestream at artist fan cams sa pamamagitan ng Super Kapamilya, ang YouTube members-only platform ng ABS-CBN Entertainment. Kung hindi ka pa member, pumunta sa https://bit.ly/SuperKapamilya at pindutin ang ‘JOIN’.
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom