Umabot din ang awitin sa Spotify Viral chart sa iba’t ibang bansa tulad ng Saudi Arabia, Singapore, New Zealand, Canada, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, at United Arab Emirates. Nakuha rin nito ang unang pwesto sa iTunes Philippines kung saan naging fifth best-selling OPM song ito sa nasabing platform habang umani naman ito ng mahigit 10 milyong views sa YouTube.
“Hindi pa rin po ako makapaniwala at parang pa rin akong nananaginip. I’m really grateful especially sa mga tao na nakasama na nag-work behind this song. This is just passion for music and I was not expecting anything na ganitong kalaking achievement,” saad ni Maki sa panayam sa ABS-CBN News.
Bukod sa tagumpay ng “Dilaw,” nakakuha na rin ng mahigit 90 milyong streams sa Spotify ang awitin na “Saan?” at patuloy itong umaarangkada kasama ang iba pang awitin ni Maki na “Kailan?” at “Sikulo” na tampok sina Angela Ken at Nhiko Sabiniano. Nakapasok na rin ang Tarsier Record artist sa ikalimang pwesto sa Spotify Philippines Daily Top Artists.
Pakinggan ang latest single ni Maki na “Dilaw” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, and YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.