News Releases

English | Tagalog

Bamboo magdiriwang ng anniversary, Maki at Lola Amour makikisaya sa "ASAP Natin 'To"

July 13, 2024 AT 08:47 AM

 Gary, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, at Erik, idadaan sa awitin ang mga kwento tungkol sa ex

 

Makisaya nang bongga sa 30th showbiz anniversary ni Bamboo kasama ang mga singing champion ngayong Linggo (Hulyo 14) sa "ASAP Natin 'To' sa Kapamilya Channel, A2Z, sa TV5.

Handog ni Bamboo sa mga manonood ang kanyang hit songs tulad ng “Himala,” Hallelujah,” at “Noypi” na kakantahin niya kasama ang mga singing champion na sina Jed Madela, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, Sheryn Regis, Sam Mangubat, Khimo, Reiven Umali, JM Dela Cerna, JM Yosures, Lyka Estrella, at Marielle Montellano.

Gawing core memory ang inyong Linggo kasama ang mga new gen hitmaker na si Maki, na kasama ni Yeng Constantino, Lola Amour, Juan Caoile, at Kyleswish na hatid ang kanilang most requested songs.

Maghanda para sa mga emosyonal na pagtatanghal nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Erik Santos na tampok ang mga kuwento ng kanilang mga dating relasyon na idadaan nila sa mga heartbreak songs. Hatid naman ni Asia’s Songbird ang nakakaantig na rendition ng “Someone That I Used To Love.”

Makinig na sa pinakamaangas na rap number kasama sina Gary, Martin, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Jed, Yeng, Jona, Klarisse, Loisa Andalio, Maymay, AC Bonifacio, Kyla, Jason Dy, Jeremy Glinoga, kasama ang singer-rappers na sina John Roa, Salbakuta, at Kritiko.

Ultimate attitude sa dance floor ang masasaksihan sa isang all-around production kasama sina Yeng, Alexa Ilacad, Maymay, AC, Sheena Belarmino, Jeremy, Jameson Blake, Joao Constancia, Kice, Rob Blackburn, Kobie Brown, Luke Alford, Anthony Meneses, at BGYO, na sasamahan ng dance groups na Legit Status at MNVRS Ignite. Panoorin naman ang kahanga-hangang dance battle kasama sina Chie FIlomeno at Jackie Gonzaga, kasama ang D'Grind, at ang colorful na P-Pop prod mula sa WRIVE.

Get all the feels sa singer-songwriters jam nina Nyoy Volante, Alexa, Jeremy, Kice, Angela Ken, at Anji Salvacion. Subaybayan din ang biritan session kasama sina Regine, Zsa Zsa, Bituin Escalante, Frenchie Dy, at Nina.

Makikisaya naman ngayong Linggo ang "ASAP" hosts na sina Robi Domingo at Edward Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.