ABS-CBN, the country's leading content company, bagged a total of six nominations for its top stars, revenge-thriller film, and innovative original series at the prestigious 2024 ContentAsia Awards
Kim at Arjo lalaban para sa top acting awards sa Asya, 'A Very Good Girl' nominadong Best Asian Film
Nakasungkit ng anim na nominasyon ang ABS-CBN sa 2024 ContentAsia Awards, na kumikilala sa mga mahuhusay na mga programa, pelikula, at pagganap ng mga artista mula sa iba't ibang bahagi ng Asya.
Nangunguna sa listahan si Kim Chiu bilang Best Female Lead in a TV Programme nominee sa hit Dreamscape serye na "Linlang," habang nominado naman sa Best Male Lead si Arjo Atayde para sa kanyang pagganap sa ABS-CBN International Productions psychological thriller na "Cattleya Killer."
Nominado rin ang "Linlang" star na si Kaila Estrada bilang Best Supporting Actress in a TV Programme/Series.
Makikipagtagisan sina Kim, Arjo, at Kaila sa ilan sa premyadong personalidad mula China, Singapore, Thailand, Indonesia, Hong Kong, at India.
Samantala, nominado bilang Best Asian Feature Film/Telemovie ang Star Cinema revenge-drama na "A Very Good Girl" nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, kasama ang ilang natatanging pelikula mula Malaysia, Indonesia, at Japan.
Kasama rin sa mga nominado ang youth-oriented digital series "Zoomers" para sa Best Asian Short-form Drama/Series category, habang lalaban naman sa Best Original Reality and/or Competition Programme ang reality queer-dating series na "Sparks Camp."
Gaganapin ang awards ceremony ng 2024 ContentAsia Awards ngayong Setyembre 5 (Huwebes) sa 2024 Trendy Taipei music, arts, and innovation festival
Pinapangaralan ng ContentAsia Awards taon-taon ang mga media at productions na tumutulong mapalaganap ang Asian content sa buong mundo.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.