Extended interviews nina BINI Aiah at Colet, mapapanood din
May espesyal na regalo ang ABS-CBN para sa fans nina Belle Mariano at ng BINI members na sina Aiah at Colet dahil pwedeng i-enjoy ang exclusive insider access sa latest na mga ganap ng kanilang mga idolo. Available ito sa lahat ng “Super Kapamilya” members sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng fans ni Belle pagkatapos ng matagumpay nitong “BELIEVE: The Belle Mariano Birthday Concert” dahil mapapanood nila ang “BELLElulu” insider access tampok ang 24-hour concert preparation coverage. Ipapasilip ni Belle, kasama ang host na si Milo Elmido Jr., ang naging rehearsals niya, pati na rin ang masasayang ganap backstage kasama ang ilang celebrity guests.
Sigurado naman na hindi na mabibitin ang Blooms sa nakakaaliw na kwentuhan ni BINI Aiah kasama si Kuantie Melai Cantiveros sa “Kuan on One” talk show dahil napapanood na ang extended Q&A ng dalawa. Dapat din abangan ng Blooms ngayong Hulyo ang extended “Kuan on One” scene tampok naman ang mga kwentong buhay ni BINI Colet.
Ilan pa sa mga latest offering ng “Super Kapamilya” ay ang unang pasilip sa episodes ng online series na “Zoomers” pati na rin ang insider access sa “Sagrado Workout Routine” tampok ang cast ng “Pamilya Sagrado.”
Handog ng ABS-CBN ang “Super Kapamilya” para sa loyal fans kung saan may access ang mga ito sa exclusive livestreams, Q&A sessions kasama ang paboritong Kapamilya stars, behind-the-scenes access, at unang pasilip sa iba’t ibang content.
Available ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang nangungunang YouTube channel sa Southeast Asia para sa media and entertainment category na mayroong 48 milyong subscribers.
Para sumali sa “Super Kapamilya” community, bisitahin ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel, click “join,” kumpletuhin ang monthly membership purchase, at i-click ang “subscribe.”
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.