News Releases

English | Tagalog

“Tao Po,” itatampok ang batikang aktor na si John Arcilla at “Goin’ Bulilit” star Jordan Lim aka Jeep Canoy

July 19, 2024 AT 08:13 AM

“Tao Po” features veteran artist John Arcilla and “Goin’ Bulilit” star Jordan Lim aka Jeep Canoy

An inspiring and fun Sunday awaits viewers as “Tao Po” features the story of world-class artist John Arcilla and young star Jordan Lim of “Goin’ Bulilit”

Mapapanood sa bago nitong timeslot tuwing 6:30 p.m.
 
Magiging puno ng inspirasyon at saya ang Linggo dahil mapapanood sa “Tao Po” ang kwento ng world-class artist na si John Arcilla at ang batang artista na si Jordan Lim ng “Goin’ Bulilit” ngayong Hulyo 21 sa bago nitong timeslot tuwing 6:30 ng gabi.

Nakakwentuhan ni Bernadette Sembrano ang batikang aktor at Volpi Cup Best Actor na si John Arcilla sa set ng “Pamilya Sagrado,” kung saan sumabak ito sa isang acting challenge at nagbahagi ng kanyang karera sa Teatro, pelikula, at telebisyon.

Kinilala naman ni Anjo Bagaoisan ang cute na batang aktor na si Jordan Lim na pinahanga ang publiko dahil sa kanyang mahusay na panggagaya kay “Jeep Canoy,” ang mini me version  ABS-CBN News chief of reporters, Jeff Canoy.  Ibinahagi ni Jordan kung paano niya pinaghandaan ang papel bilang si Jeep Canoy at ikinwento rin ang buhay artista na Kapamilya ng mga kilalang personalidad sa industriya.

Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro sa viewers ang isa sa pinakamatagal na traffic surveyors sa bansa na si Pablo “Tatay Pabs” Farmisan. Bukod sa pag-alam ni Kabayan sa mga karanasan ng hanapbuhay bilang traffic surveyor, nakibilang din si Kabayan ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (July 21) sa "Tao Po" ng 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.