News Releases

English | Tagalog

Mga bagong housemate ni kuya, pinakilala na sa 'Pinoy Big Brother Gen 11'

July 25, 2024 AT 11:48 AM

'Pinoy Big Brother Gen 11' kicks off with new batch of housemates onboard

From 35,906 hopefuls from its on-ground and online auditions, only 15 made it to the cut to enter the iconic Big Brother house for its 11th season

Mapapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC

Ipinakilala na ang bagong batch ng housemates na papasok sa bahay ni Kuya na handang ipamalas ang kanilang sarili para tanghaling susunod na Big Winner sa bagong season ng long-running ABS-CBN reality competition na "Pinoy Big Brother Gen 11."

Mula sa 35,906 na nag-audition sa mga on-ground at online search nito, 15 ang natira para makapasok sa PBB house.

Noong isang linggo, inanunsyo sa "StarHunt: The Audition Show" ang unang lima na papasok sa bahay ni Kuya. Kasama sa mga unang hinirang ay ang "Determined Daughter ng Camarines Sur" Therese Villamor, ang "Astig Volleybae ng Pampanga" Dylan Yturralde, ang "Maabilidancing Dong ng South Cotabato" Binsoy Namoca, ang "Singing Gwapa ng Cebu" Kai Montinola, at ang "Charming Crooner ng London" Jarren Garcia.

Sa premiere naman ng "PBB Gen 11" nitong Sabado (Hulyo 20) ipinakilala ang natitirang hopefuls na sina "Sporty-Go-Lucky Kuya ng Camarines Norte" Marc Nanninga Jr., "Cheerfu-Langga ng Cebu" Rain Celmar, "Lola-loving Apo ng Occidental Mindoro" Kanata Tapia, "Ma-cute-lit na Raketera ng General Santos" Kolette Madelo, at ang "Poginsyanong Pilo-ToBe ng Quezon" JM Ibarra.

Sumunod naman sina "Optimistic Ate ng Dumaguete" Jas Dudley-Scales, "Mombitious Chikadora ng Lithuania" Noime Steikunas, "Seamanluluto ng Bacolod" Brx Ruiz, pati ang 2-in-1 housemates nitong sina "Charismatic Partner ng Taguig" Dingdong Bahan at ang "Go-Getter Partner ng Manila" Patrick Ramirez.

Sa loob ng 100 araw, mapapasabak ang housemates sa mga bagong task ni Kuya na susubok sa kanilang karakter, katatagan, at pakikisama sa isa't isa. Pero sa kanilang pagpasok, isang hamon agad ang sumambulat sa kanila matapos anunsyuhin ni Kuya na house guests pa lamang sila at 11 lang ang pwedeng hiranging official housemates.

Samantala, nagpasalamat din ang PBB sa co-presenting brands nito na bahagi ng bagong season ng Kapamilya reality series—gaya ng Cream Silk at Ponds bilang official on-ground and online audition partner, Maya bilang official voting partner, at Lazada bilang livestream partner.

Samahan ang hosts nitong sina Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez na alamin ang mga kaganapan sa bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado, 8:30 PM, at Linggo, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.