Joshua at Julia, magpapaubaya ngayong Linggo
Simulan na ang saya ngayong August kasama ang “ASAP Natin ‘To” na may regalong libreng concert tampok ang mga bonggang performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos at iba pa ngayong Linggo (Hulyo 14) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang hottest rock opening kasama sina Gary, Martin, Zsa Zsa, Ogie, Erik, Jona, at Sheryn Regis. Tumutok rin sa inyong mga screen para sa isang phenomenal performance ng movie theme song hits mula kina Regine, Erik, Sheryn at Nina.
It's a musical feast for everybody dahil handog nina Ogie and Jona ang makabagbag-damdamin na tribute to the maestros Rey Valera, Louie Ocampo, at Ogie Alcasid kasama sina Lara Maigue at ang Tawag ng Tanghalan champions na sina Marielle Montellano, JM Dela Cerna, JM Yosures, Lyka Estrella, and Reiven Umali. Aarankada rin sa kantahan sina Martin at Zsa Zsa na may dalang performances ng jazzy classics kasama sina Frenchie Dy at Nyoy Volante.
Patuloy lang ang mataas na energy kasama si Mr. Pure Energy Gary V na hatid ang all-around na production kasama sina Maymay, AC Bonifacio, Gela Atayde, ang heartwarming na kantahan kasama ang The Company, at nakaka-excite na sing and dance number kasama ang Ignite. Sulitin ang weekend kasama sina Gary, Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Erik, Maymay, AC, Jona at iba pa para sa isang pasabog na closing number.
Magpapaiyak din ng fans ang stars ng “Un/happy For You” na sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil sa kanilang duet ng “Paubaya” ng Ben&Ben ngayong weekend.
Hindi naman magpapahuli sa kasiyahan ang “ASAP” hosts na sina Robi Domingo at Edward Barbers.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.