Namayagpag ang ABS-CBN Music sa unang
Hot 100 at
Top Philippine Songs charts na inilabas ng Billboard Philippines tampok ang hit songs ng Kapamilya artists na sina Maki at BINI.
Nanguna si Maki sa Hot 100 chart (week of July 6) dahil sa kanyang hit song na “Dilaw” mula sa Tarsier Records, isa sa mga record label ng ABS-CBN Music.
Ibinahagi ng singer-songwriter ang saya niya na maging bahagi ng tagumpay ng OPM sa nasabing chart.
“Celebrating this along with all the OPM artists that are on top of the charts! I’m just so thrilled and glad that OPM is thriving, very much alive, and that I get to share my part as an artist in this generation of Filipino music,” saad ni Maki sa isang Facebook post.
Nasa unang pwesto rin ang “Dilaw” ni Maki ng Top Philippine Songs (week of July 6) habang ang breakout song niyang “Saan?” ay nakasama rin sa ika-16 pwesto.
Hindi naman nagpahuli ang nation’s girl group na BINI dahil umarangkada sila sa Hot 100 chart, kasama ang “Salamin, Salamin” sa ikalawang pwesto, “Pantropiko” sa ikaapat na pwesto, “Karera” sa ikapitong pwesto, at “Lagi” sa ikasiyam na pwesto. Ang iba pa nilang awitin na “Huwag Muna Tayong Umuwi,” “Na Na Na,” at “I Feel Good” na mula sa Star Music record label ng ABS-CBN ay kabilang din sa listahan.
Namayagpag din ang OPM girl group sa Top Philippine Songs chart at sinungkit nila ang limang pwesto sa Top 10 kabilang ang “Salamin, Salamin” (#2), “Pantropiko” (#3), “Karera” (#4), “Lagi” (#5), at “Huwag Muna Tayong Umuwi” (#10).
Ayon sa Billboard Philippines, kinikilala ng Hot 100 ang pinakamalalaking awitin sa bansa linggo-linggo ayon sa streaming data at sales mula sa leading music services habang pinapangalanan naman ng Top Philippine Songs ang pinakamalalaking local artists at awitin na lumalaganap sa bansa.
Patuloy na pakinggan ang musika nina Maki at BINI sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.