News Releases

English | Tagalog

"Can't Buy Me Love" at "Linlang" libre nang napapanood abroad sa YouTube

July 05, 2024 AT 09:18 AM

Available sa ABS-CBN Entertainment YouTube

Umabot na ang kilig at gigil fever sa United States at Canada dahil napapanood na dito ang “Can’t Buy Me Love” ng DonBelle at “Linlang” ng KimPau sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Libreng mapapanood ang full episodes ng dalawang serye at maaaring pang balik-balikan ang mga paboritong eksena dahil available rin ito ng on-demand. 

Pumatok sa mga manonood ang nakakakilig na kwento ng “Can’t Buy Me Love” at pinanggigigilang mga rebelasyon sa “Linlang” pagkatapos itong umere sa primetime nitong taon. 

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang “Can’t Buy Me Love” na tungkol sa komplikadong pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos nilang magkakilala dahil sa isang insidente ng kidnapping.

Sa mystery-thriller series na “Linlang” nina JM De Guzman, Paulo Avelino, at Kim Chiu, umiikot ang kwento nito tungkol sa pagtataksil pagkatapos madiskubre ng isang laos na boxer na niloloko siya ng kanyang asawa at sarili niyang kapatid. 

Ilan lamang ang “Can’t Buy Me Love” at “Linlang” sa mga programa ng ABS-CBN na available sa ibang bansa sa YouTube bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

Maging parte ng online pamilya ng ABS-CBN sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, ang numero unong YouTube channel sa Southeast Asia na may 48 milyong subscribers.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE