Nitong nakaraang taon, inilunsad ni Drei ang debut single na “Ganun Talaga” na umani ng mahigit 600,000 streams sa Spotify. Sinundan niya ito ng iba pang awitin tulad ng “Iyong Mga Mata” at “Aking Tangi” na naging bahagi ng “High Street” official soundtrack.
Nakilala si Drei nang sumali siya sa “The Voice Teens Philippines” season 1 kung saan naging coach niya ang Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap. Noong 2022, sumabak naman siya sa ikalawang season ng “Idol PH” at naging isa sa top 12 contestants nito.
Damhin ang emosyon ng bagong awitin ni Drei na “idk anymore” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.