
Sa panayan ni Andrea kay Mela, ibinunyag ng mother sparker kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na mag-transition bilang isang babae at kung paano niya hinarap ang takot sa mapanghusgang lipunan. Bukod sa pagiging LBTQIA+ advocate, writer, at host, kinoronahan din si Mela bilang Miss Trans Global 2020, at ngayon ay nag-aaral ng kanyang Master’s degree sa Spain.
Ngayong Linggo, itatampok din ni Bernadette Sembrano si Jheanicka Esplago, isang 28-anyos na nananatiling determinado sa buhay sa kabila ng maraming paghihirap tulad ng kanyang kondisyon na kinakailangan na gumamit ng colostomy bag at ang kanyang pag-ahon mula sa hagupit na dala ng bagyong Carina.
Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang 52-anyos na si “Mang Osy,” isang ama at lolo na nagbibigay-inspirasyon sa kanyang komunidad sa kanyang katatagan at dedikasyon sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan mula nang ipanganak. Dating nagtitinda ng gulay si Mang Osy, pero ngayon ay nagcha-charge siya ng iba’t ibang uri ng baterya. Dahil sa kanyang tiyaga, ang bunsong anak ni Mang Osy ay nakatakda ng magtapos sa pag-aaral.
Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Setyembre 1) sa “Tao Po” ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
