News Releases

English | Tagalog

Radyo 630 anchors, pinasaya ang madla sa ‘Nagkakaisa sa Serbisyo’ anniversary event

July 05, 2024 AT 05:54 PM

Radyo 630 anchors bring joy to the public in ‘Nagkakaisa sa Pagseserbisyo’ anniversary event

The anchors of Radyo 630 and Teleradyo Serbisyo gathered together to celebrate their first year on the airwaves

Hatid ang samu’t saring public service booths at aktibidad kasama ang Radyo 630 anchors

Dinagsa ang ika-unang anniversary celebration ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo na “Puntahan ng Bayan: Nagkakaisa sa Pagseserbisyo,” kung saan nakisaya ang ilang news anchors at naghandog ng libreng public service booths bilang pasasalamat sa mga taga-kinig at manonood na sumuporta sa mga programa at adhikain nito sa publiko.

Nakisama ang Radyo 630 anchors at hosts, gaya nina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Winnie Cordero, Tony Velasquez, Peter Musngi, Migs Bustos, DJ Jhai Ho, Ahwel Paz, at iba pa habang may surprise performances din ang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto at Khimo Gumatay, pati halakhakan mula sa komedyanteng si Pooh.

Tampok din sa anniversary event na ginanap sa Market! Market! Activity Center ang samu’t saring free public service booths mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng PhilHealth, Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), PAG-IBIG, at TESDA, pati libreng medical check-up, legal services, psychic reading, quick repair, pagupit, at pakain.  

Nagpasalamat naman ang Media Serbisyo Production Corp. (MSPC) president na si Marah Capuyan sa mga sumuporta sa ika-isang taon nila sa ere sa paghahatid ng makabuluhang balita, impormasyon, at serbisyo publiko. Aniya, pag-iigihan pa nila ang pagseserbisyo sa buong bansa bilang istasyong “Puntahan ng Bayan.”

“We will continue to do better sa ating mga Ka-Serbisyo na patuloy nakikinig sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo,” saad ni Marah sa kanyang panayam sa “TV Patrol.”

Bago ang anniversary celebration, nagsagawa ng public service events ang Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa iba’t ibang lugar, tulad ng selebrasyon sa Mother’s Day, Kumustahan ng Bayan, at 5-Day Rekorida—tampok ang iba’t ibang educational talks at masasayang aktibidad kasama ang pinagkakatiwalaang news anchors at hosts nito.

Patuloy na mapapakinggan ang Radyo 630 sa AM radio via 630 kHZ frequency, o sa TV sa pamamagitan ng Teleradyo Serbisyo. Makibalita sa mga programa nitong “Radyo 630 Balita,” “Gising Pilipinas,” “Teleradyo Serbisyo Balita,” “Headline Ngayon,” at “TV Patrol,” habang makisali sa mga usapan at serbisyo publiko sa “Kabayan,” “Pasada,” “Tatak Serbisyo,” “Kasalo,” “Hello Attorney,” “Win Today,” “Ligtas Pilipinas,” “Anong Take Mo?” at iba pa.

Bumisita rin sa Facebook at YouTube pages nito para masubaybayan ang Radyo 630/Teleradyo Serbisyo online. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.