News Releases

English | Tagalog

Belle, Melai, Maki, TJ at iba pa, handog ang mga patok na mga performance sa "ASAP Natin 'To"

July 09, 2024 AT 12:02 PM

  Mapapanood rin sina Gary, Martin, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Rivermaya, at ang bandang Hale

 

Unli ang saya ngayong weekend kasama sina Belle Mariano, Melai Cantiveros, Maki, TJ Monterde, at marami pang iba ngayong Linggo (Hulyo 7) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, sa TV5.

Hatid ni Belle ang kanyang mala-anghel na rendisyon ng "Fly Me To The Moon," habang magpapabilib naman sa dance floor si Kuantie Melai na sasayawin ang viral hit song na "Selos" kasama ang D-Grind.

Abangan ang show-stopping performances ng trending OPM songs mula Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, KZ Tandingan, Belle, Maymay Entrata, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Janella Salvador, Kice, Rob Blackburn, Kobie Brown, Luke Alford, Anthony Meneses, at Rivermaya. Bubuksan ni Maki ang pagtatanghal sa pamamagitan ng kanyang viral na kanta na “Saan?”

Panoorin ang inyong mga paboritong hitmaker na sina TJ Monterde at Maki na kakantahin ang kanilang trending songs na “Palagi” at “Kailan” kasama sina KD Estrada, Jeremy Glinoga, at Angela Ken. 

Sumabay sa isang romantikong weekend kasama sina Gary, Martin, Zsa Zsa, KZ, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, at Ryan Cayabyab Singers na aawit ng mga celebrity wedding-inspired song. Ipagpatuloy ang nakakaantig na kantahan kasama ang “ASAP” divas na sina Jona, Sheryn Regis, Nina, Klarisse De Guzman, Frenchie Dy, at Lyka Estrella.

Ipagdiwang ang OPM kasama ang bandang Hale na magpe-perform ng "Kung Wala Ka" at "Klaro.” Kilalanin rin si Jay Heart, na magko-cover ng "Somewhere Only We Know" kasama sina Jed Madela, Jason Dy, Sam Mangubat, at Antidote Band.

Makisayaw kay Kim Chiu na hatid ang isang bonggang performance ng “NVMD” ni Denise Julia. Maghanda rin para sa all-around entertainment kasama sina Janella, Alexa, AC, Maymay, Loisa Andalio, Gela Atayde, Bailey May at BGYO, kasama ang Legit Status, G-Force, at A-Team, na handog ang sing and dance numbers ng mga current hit song. Lalaban din sa sayawan sina Chie Filomeno at Anji Salvacion.

Pakinggan rin ang makapagbagbag-damdaming rendisyon ng mga kanta ni Angela Bofill na hatid ng mga "ASAP" icon na sina Gary, Martin, Ogie, Zsa Zsa, Erik, at Jona. Maki-jam naman sa mga host na sina Robi Domingo at Edward Barbers, na makikikanta kina Gary, Martin, Zsa Zsa, Ogie, Erik, Kim, at Maymay.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.