ABS-CBN reporter Job Manahan chats with Kapamilya heartthrob Jeremiah Lisbo to get to know more the young actor who is making waves in showbiz on “Tao Po” this August 11 at 6:30 pm.
Mapapanood ngayong Linggo, 6:30 pm
Makakapanayam ni ABS-CBN reporter Job Manahan ang Kapamilya heartthrob na si Jeremiah Lisbo para mas kilalanin ang aktor na unti-unting gumagawa ng sariling marka sa mundo ng showbiz sa “Tao Po” ngayong Agosto 11, 6:30 pm.
Ani Jeremiah, ala siyang planong maging artista dahil graduate siya ng HRM at mahilig magluto, ngunit tila iba ang nakatakdang plano sa kanya ng buhay dahil nakatanggap siya ng modeling at acting offers.
“Meron akong offer na mag-model sa Malaysia at Singapore. Bigla rin nag-offer ‘yung ‘He’s Into Her.’ Tinanggap ko na siya kasi nasa bansa natin eh,” he said.
Ikinuwento rin ng “Pamilya Sagrado” star kay Job ang mga lagi niyang bitbit sa set para sa mahabang taping.
Tampok din sa “Tao Po” ang buhay ni Josephine Lunaria Guevarra, isang babaeng bus driver na buong tapang na nagmamaneho sa magulong lansangan ng Maynila, habang ibinahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang kwento ng PWD vulcanizer na si Arnel Martinez, na nagsisikap na malampasan ang mga pagsubok sa buhay.
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Aug 11) sa "Tao Po" ng 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.