News Releases

English | Tagalog

"FPJ's Batang Quiapo" gabi-gabi ang record-breaking online views

August 14, 2024 AT 04:30 PM

Nagtala ng higit 700,000 concurrent views!

Gumawa na naman ng panibagong online record ang Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos itong magtala ng higit 700,000 concurrent views sa unang pagkakataon sa YouTube. 

Nakamit ito noong Agosto 13 na episode na may 729,234 peak concurrent views o ang sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Winasak nito ang sariling online record sa dalawang magkakasunod na gabi. 

Tuloy-tuloy nga ang mga pasabog sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil nakamit ang panibagong milestone na ito sa loob lamang ng dalawang linggo mula noong lumampas sa 600,000 concurrent views ang serye.  

Sa kasalukuyang kwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” tutok ang mga manonood sa mga makapigil-hiningang eksena dahil sumabak na sina Tanggol (Coco Martin) at ang kanyang grupo sa kauna-unahan nilang misyon kung saan agad silang nasubok sa matinding bakbakan.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE