Espesyal na anunsyo ng Star Cinema, top-trending sa social media...
Top trending at labis na pinag-usapan ang espesyal na announcement nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol sa unang pelikula na kanilang pagsasamahan sa ilalim ng ABS-CBN Star Cineman, ang romance-comedy film na “My Love Will Make You Disappear."
“Dahil nadala na namin kayo sa TV, sa tour, ngayon sasabihin na namin, may isang malaking regalo kami ni Paulo sa inyo kasama ang Star Cinema ang 'My Love Will Make You Disappear," sabi ni Kim sa announcement sa “It’s Showtime” noong Lunes (Agosto 12).
Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Chad Vidanes na kakaiba umanong romcom ang naturang pelikula at ipapakita kung paano tayo nagiging “wild and fun” dahil sa magic of love.
“Pre-pandemic pa ata yung huli tayong nagkaroon ng true blue romcom from Star Cinema. Kaya ngayong taon, magiging part tayo [nito]. Nakaka-excite dahil sa inyo,” sabi naman ng direktor na si Chad Vidanes.
Kakaibang KimPau nga ang dapat abangan ng manonood matapos silang magtambal at minahal ng publiko sa kanilang mga karakter sa Kapamilya hit series na “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim.” Ito rin ang nagsisilbing pagbabalik nina Kim at Paulo sa ABS-CBN Films pagkatapos ng apat na taon.
Ang pelikula ay base sa konsepto ni Prime Cruz at isinulat nina Patrick Valencia at Isabella Policarpio.
Abangan ang mga update sa “My Love Will Make You Disappear” sa pamamagitan ng pag-follow ng ABS-CBN Films sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, Instagram, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.