Bernadette Sembrano sits down with Joshua Garcia and Julia Barretto, the stars of “Un/Happy For You,” to share more about how they rekindled their onscreen connection as real-life exes on “Tao Po” this August 18 at 6:30 pm.
Airing this Sunday at 6:30 pm
Nakapanayam ni Bernadette Sembranosina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang mga bida ng “Un/Happy For You,” kung saan ibinahagi ng dalawa kung paano nila muling pinasigla ang kanilang onscreen connection bilang mag-ex sa totoong buhay sa “Tao Po” ngayong Agosto 18, 6:30 pm.
Sa eksklusibong panayam, sinabi nina Joshua at Julia kay Bernadette kung paano sila nagkabalikan bilang onscreen partners at nagbahagi rin sila kung paano ang naging proseso upang muling maibalik ang kanilang Natatanging chemistry.
Tampok din sa “Tao Po” ang UP Summa Cum Laude na si Ingrid Delgado, isang stroke survivor na nagawang malampasan ang kanyang pisikal at mental na mga hamon sa kalusugan. Ibinahagi ni Ingrid ang tungkol sa kanyang kuwento ng dedikasyon sa kapwa Iska na si Joyce Balancio.
Samantala, handog naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang kwento ni Sarah Jane Silvestre, isang fire survivor. Ang sunog na dulot ng sumabog na tangke ng LPG ay nagresulta sa kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang bayaw at isang kapitbahay na tumulong sa kanila sa aksidente. Bilang tugon sa sitwasyon, nagpaabot ng tulong pinansyal si Kabayan Noli kay Sarah Jane at sa kanyang batang anak.
Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Aug 18) sa “Tao Po” ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.