News Releases

English | Tagalog

JoshLia, nag-uumapaw ang kilig na handog sa Cinema One ngayong Agosto

August 02, 2024 AT 01:42 PM

Dingdong, tampok sa Monday Drama

Hindi lang sa mga sinehan nakatakdang magpakilig ang “Un/Happy For You” lead stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil bibida rin sila ngayong Agosto sa cable channel na Cinema One.

Abangan ang kakaibang chemisty ng JoshLia tandem tuwing Sabado, 7pm sa mga pinagbidahan nilang movies na talaga namang tumatak sa mga manonood. Balikan ang kanilang love triangle kasama si Ronnie Alonte sa “Vince & Kath & James” (Agosto 3). Panoorin ang pagharap nila sa deadly infection outbreak sa horror flick na “Block Z” (Agosto 10). Patuloy na magpapaibig ang dalawa sa  “Love You To The Stars and Back” (Agosto 17), “Unexpectedly Yours” kasama sina Robin Padilla at Sharon Cuneta  (Agosto 24), at “I Love You, Hater” kasama si Kris Aquino (Agosto 31).

Samantala, bibida naman si Dingdong Dantes sa Monday Drama na mapapanood tuwing Lunes, 9pm. Abangan ang magaling na aktor sa “The Unmarried Wife” kasama sina Angelica Panganiban at Paulo Avelino (Agosto 5); “One More Try” kasama muli si Angelica pati si Angel Locsin (Agosto 12); “She’s The One” kasama si Bea Alonzo (Agosto 19); at “Seven Sundays” kung saan tampok din sina Ronaldo Valdez, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Aga Muhlach (Agosto 26).

Handog naman sa Blockbuster Sundays block ang “Three Words to Forever” nina Sharon, Richard Gomez, at Kathryn Bernardo sa Agosto 4; ang “Everything About Her” nina Angel, Xian Lim, at Vilma Santos sa Agosto 11; at ang back-to-back na pagpapalabas ng “Four Sisters Before the Wedding” (Agosto 18) at “Four Sisters and a Wedding” (Agosto 25).

Hindi rin dapat palampasin ngayong buwan ang ilan sa mga natatanging pelikula mula kay Peque Gallaga sa C1 Masters block na napapanood tuwing Miyerkules, 9pm. Ipapalabas ang 1982 historical war drama film na “Oro Plata Mata” sa Agosto 7; ang 1996 fantasy-adventure movie na “Magic Temple” sa Agosto 14; ang 1988 horror flick na “Tiyanak” sa Agosto 21; at ang 1983 classic na “Bad Bananas sa Puting Tabing” sa Agosto 28.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.