News Releases

English | Tagalog

Coco, Ivana nagpasalamat sa suporta ng mga Pinoy para sa "FPJ's Batang Quiapo"

August 03, 2024 AT 12:56 PM

Bagong karakter, papasok sa buhay ni Tanggol?

Labis ang pasasalamat nina Coco Martin at Ivana Alawi sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa “FPJ’s Batang Quiapo” na kamakailan ay inanunsyo ang pamamaalam ng karakter ni Ivana kasabay ng sunod-sunod na gabi ng record-breaking online views. 

Ikwinento ni Coco na hindi niya inakalang papatok sa mga manonood ang nakakakilig na tambalan nila ni Bubbles (Ivana) kaya nagpasalamat din siya kay Ivana dahil game na game ito sa mga eksena nila. 

“Pamilya na ‘yung turing namin sa kanya. Hindi namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung kwento namin. Sobrang laki ng naiambag ni Ivana sa serye. Sana nag-enjoy siya,” sabi ni Coco sa interview sa “TV Patrol.”

Sa pamamaalam ni Bubbles, isinagot ni Coco ang tanong ng bayan kung may bagong karakter nga bang papasok sa buhay ni Tanggol (Coco). 

“Nakaka-excite kasi hindi ko pa rin alam. I’m sure macha-challenge kami sa panibagong pagsubok na haharapin namin,” he teased.

Ibinahagi naman ni Ivana na marami siyang natutunan sa pagiging bahagi ng serye kaya taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga bumubuo ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa tulong nila na bigyang-buhay si Bubbles. 

“It’s something that I’ll treasure for a long time cause it’s the project na lumabas ako sa shell ko. I got to do a lot of things which is action, comedy, and romance. Inalagaan talaga ako ni Direk Coco Martin. It was a privilege to work with him,” said Ivana.

Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang “FPJ’s Batang Quiapo” matapos itong makapagtala ng bagong online viewership record sa tatlong magkakasunod na gabi. Ang kasalukuyang all-time high ng serye sa Kapamilya Online Live ay 635,636 peak concurrent views para sa episode noong Hulyo 31. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE