News Releases

English | Tagalog

"ASAP" may bagong pasabog tampok ang mga world-class performance

August 30, 2024 AT 11:02 AM

Mula sa sold-out ASAP California...

 

Hatid ng “ASAP,” ang longest-running at multi-awarded Sunday musical variety show sa telebisyon sa Pilipinas, ang mga pasabog tampok pa rin ang mga world-class na talento at performance ngayong Linggo (Setyembre 1) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Unli saya at unli kulitan ang mapapanood sa “ASAP” ngayong weekend kasama ang pinakamalalaking bituin sa OPM na may pa-free concert experience para sa fans.

Mula sa kanilang sold-out na “ASAP California” reunion concert, handog ng “ASAP” family ang panibagong wave ng kapanapanabik na sorpresa kabilang na ang pinakafresh na pagtatanghal mula sa OPM legends, singer-songwriters, dance idols, OPM groups, music heartthrobs, at trending performers.

Ang new “ASAP” experience ay kick-off na rin para sa kanilang 30th anniversary celebration sa susunod na taon.

Sa loob ng halos 30 taon, ang “ASAP” ay tumatak na bilang isang programang nagbibigay ng world-class performances sa mga Pinoy sa buong mundo.   Dahil dito, nakatanggap ang "ASAP" ng maraming parangal at pagkilala mula sa iba't ibang internasyonal at lokal na organisasyon at award-giving bodies. Kinilala ang palabas bilang isa sa mga Regional Winner sa Asian Academy Creative Awards noong 2019. Noong 2022, nanalo ang “ASAP” bilang Best Variety Program sa 19th Gawad Tanglaw at Best TV Program sa Gems Awards.

Abangan ang mga bonggang pasabog ngayong Linggo sa “ASAP," 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.