ABS-CBN reporter Andrea Taguines sits down with “Sparks Camp” host Mela Habijan, a powerful advocate for equal rights of the LGBTQIA+ community, as she shares her inspiring journey as a proud and successful transwoman on “Tao Po” this September 1 at 6:30 pm.
Eere ngayong Linggo, 6:30 pm
Makakasama ni ABS-CBN reporter Andrea Taguines ang “Sparks Camp” host na si Mela Habijan, na magbabahagi ng kanyang makulay na kwento bilang isang hinahangaan at matagumpay na transwoman sa “Tao Po” ngayong Linggo (Setyembre 1), 6 :30 pm.
Sa panayan ni Andrea kay Mela, ibinunyag ng mother sparker kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na mag-transition bilang isang babae at kung paano niya hinarap ang takot sa mapanghusgang lipunan. Bukod sa pagiging LBTQIA+ advocate, writer, at host, kinoronahan din si Mela bilang Miss Trans Global 2020, at ngayon ay nag-aaral ng kanyang Master’s degree sa Spain.
Ngayong Linggo, itatampok din ni Bernadette Sembrano si Jheanicka Esplago, isang 28-anyos na nananatiling determinado sa buhay sa kabila ng maraming paghihirap tulad ng kanyang kondisyon na kinakailangan na gumamit ng colostomy bag at ang kanyang pag-ahon mula sa hagupit na dala ng bagyong Carina.
Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang 52-anyos na si “Mang Osy,” isang ama at lolo na nagbibigay-inspirasyon sa kanyang komunidad sa kanyang katatagan at dedikasyon sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan mula nang ipanganak. Dating nagtitinda ng gulay si Mang Osy, pero ngayon ay nagcha-charge siya ng iba’t ibang uri ng baterya. Dahil sa kanyang tiyaga, ang bunsong anak ni Mang Osy ay nakatakda ng magtapos sa pag-aaral.
Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Setyembre 1) sa “Tao Po” ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.