Alay niya para sa asawang si Ogie
Naglabas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ng reimagined version ng 2010 hit song ng American rock band na Paramore na “
The Only Exception.”
Ito ang pangalawang single na magiging bahagi ng pinakahihintay na revival album ni Regine na “Reginified” na binubuo sa ilalim ng Star Music. Sa pamamagitan nito, unti-unting ipinapakilala ang unang karakter sa “Reginified” multiverse na isang mapagmahal na asawa.
Handog ni Regine ang “The Only Exception” sa kanyang asawa, ang Kapamilya singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
Sinusundan ng kanta ang remake ni Regine ng “It Must Have Been Love” ni Roxette *na nagsilbing preview buzz single* at inilunsad noong Oktubre 2023.
Napapakinggan na ang “
The Only Exception” ni Regine sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.